LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Ipinagbibigay-alam ng Department of Science and Technology sa Lingayen, Pangasinan na maaari nang magsumite ang mga estudyante ng requirements para sa National Competitive Examination.
Ang pagsusulit para sa mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ang magtutukoy kung sino ang maaaring mapabilang sa scholarship program ng DOST Philippine Science High School.
Ayon kay Vernalyn Martinez, Project Assistant 1 ng DOST Lingayen, maaaring bumisita sa kanilang tanggapan sa Alvear Street ang mga interesadong mga mag-aaral para sa pagsusumite ng 2 kopya ng application form, 1×1 ID picture, at school form.
Maaring mag-avail sa scholarship program na ito ang mga nasabing mag-aaral na may average na 85% sa Math at Science subjects.
Ang huling submission ng requirements ay sa unang buwan ng Setyembre para sa pagsusulit na gagawin sa Oktubre 21 sa lungsod ng Dagupan.
Eagle News Correspondent Nora Dominguez