Mga residente ng Sulu, lumikas dahil sa bantang pag-atake ng Abu Sayyaf

This photo taken on August 31, 2016 shows an aerial shot taken from an Air Force helicopter of the coastal area of Jolo town, Sulu province./ AFP / Mark Navales

JOLO, Sulu (Eagle News) – Nagdulot ng takot sa mga residente ng Sulu ang umano’y banta ng grupong Abu Sayyaf na aatake sila sa Jolo na siyang pinakasentrong kalakalan sa buong lalawigan.

Hindi na nagbigay ng pangalan ang mga pamilyang lumikas mula sa pantalan ng Sulu papuntang Zamboanga City sa takot na sila ang mapagbalingan ng mga bandido.

Ayon kay Sulu Task Force commander, Brigadier General Cirilito Sobejana, Jr., naka deploy na ang kanilang mga tauhan at ilang mga gamit pandigma sa mga lugar na target umano ng Abu Sayyaf.

Patuloy din ang kanilang mga foot patrol sa buong isla para matukoy ang mga lugar na pinagtataguan ng mga Abu Sayyaf na nakisimpatiya na rin sa grupong Maute sa Marawi City.

Dagdag ni Sobejana na bagaman nasa 400 ang bilang ng mga Abu Sayyaf sa Sulu, dalawang daan lamang ang namamalaging aktibo sa grupo.

Nagpasalamat naman si Sobejana sa mga residente ng Sulu sa kooperasyong ipinamamalas nito sa militar.

 

Christine Garcia – Eagle News Correspondent, Zamboanga City

 

https://www.youtube.com/watch?v=F_CzfZu_2x4&feature=youtu.be