ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Pinaalalahanan ngayon ng Zamboanga City Health office ang mga magulang na bantayan at limitahan lamang ang paggamit ng kanilang mga anak ng mga makabagong teknolohiya, lalung-lalo na ang android smart phone at mga computer.
Sinabi ni City Health Officer Dr. Rodelin Agbulos na malaki ang epekto hindi lang sa utak ng bata kundi maging sa kalusugan nito ang mahabang oras na paggamit ng mga gadget at ibang mga kagamitang pangkomunikasyon.
Sinabi pa ni Agbulos na kailangan din ang kaalaman ng mga magulang sa pagpapagamit ng gadget sa kanilang mga anak dahil baka sa halip na makatulong sa bata, makasira pa umano ito sa kanilang kinabukasan.
Jun Cronico – Eagle News Correspondent, Zamboanga City