(Eagle News) – Posibleng sa katapusan ng buwan o sa Agosto maibabalik ang supply ng kuryente sa Leyte, Samar at Bohol.
Ayon sa Department of Energy (DOE), maraming nasirang transformers bunsod ng malakas na lindol na naganap sa Visayas noong nakaraang linggo.
Una nang tinarget na maibalik ang power supply sa mga nasabing lalawigan noong Miyerkules, July 13.
Pero nasa 160 megawatts lamang ang maibabalik na enerhiya, na 55% lang ng total demand para sa tatlong lalawigan.
Plano na rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na gumamit ng submarine cable para madala ang kuryente mula Cebu patungong Ormoc at Kananga, Leyte.
Ayon sa NGCP, sa anim na na transformers na nasira dahil sa lindol, isa pa lamang ang gumagana.
Tiniyak ng NGCP na tuloy-tuloy ang kanilang pagtatrabaho kahit hindi maganda ang panahon sa lugar.