LA TRINIDAD, Benguet (Eagle News) – Gumawa ng malakihang vegetable salad ang ilang mga residente ng La Trinidad, Benguet.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ng pagkakatatag ng industriya ng pagtatanim ng gulay sa La Trinidad.
Inorganisa ng League of Associations of La Trinidad Vegetable Trading Area Inc. ang paggawa ng dambuhalang vegetable salad, na sinasabing kayang magpakain ng hanggang 3,000 katao.
Ang salad–na tinatayang may bigat na 1.2 tonelada—ay inilagay sa higanteng bowl na may sukat na 20 feet by 32 feet, at ipinakita sa publiko nitong Huwebes, ika-13 ng Hulyo.