BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Matagumpay na nagsipagtapos ang 21 inmates ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang kinuhang vocational courses.
Ito ay ginanap sa Ambrocio Rianzales Hall, Biñan City, Laguna noong Martes, July 11.
Nasa 11 lalaki at 10 babae ang nagsipagtapos ng kursong ipinagkaloob sa kanila sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)–ang manicure & pedicure, at ang hand spa & foot spa leading to beauty care.
Sa pangunguna ni Senior Insp. Eric C. Aragon, city warden at sa pakikipatulungan ni Enrico Alatiit, TESDA Trainer Beauty Care NC II ng Jacobo Gonzalez School of Arts and Trades, at ng pamahalaang lungsod ay nakapagtapos ang mga naturang inmate.
Layunin ng programa na mabigyan ang mga inmate ng maaari nilang pagkakakitaan.
(Egle News Correspondents Willson Palima, Jackie Palima)