Pangasinan 4th District at KBP-Pangasinan magkakaloob ng scholarship sa 60 kwalipikadong estudyante

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Inilunsad ng Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP)  sa pakikipagtulungan ni 4th District Congressman Christopher de Venecia ang Joint Scholarship Program para sa 60 na kwalipikadong mga estudyante.

Ayon kay Mark Espinosa, Chairman ng KBP-Pangasinan Chapter na mayroong 30 slots para sa journalism course at 30 slots para sa non-journalism courses.

Ang mga papasok sa slot ng journalism course ay mapagkakalooban ng Php 12,000 financial assistance kada-taon, habang ang makakapasok naman sa non-journalism course naman ay makakatanggap ng Php 6,000 na financial assistance.

Ang mga intiresadong estudyante sa Pangasinan ay maaaring magpasa ng requirement sa alinmang KBP-accredited radio stations sa lalawigan.

Ang huling submission ng requirements ay sa Hulyo 21 ng taong ito.

Nora Dominguez – Eagle News Correspondent, Pangasinan

https://www.youtube.com/watch?v=j9eHGOgGcK8&feature=youtu.be