OZAMIZ CITY, Misamis Occidental (Eagle News) – Sinuspinde ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang hepe ng Ozamiz City Police Station.
Ang 90-day preventive suspension kay Chief Inspector Jovie Espenido ay ipinatupad simula noong July 16, 2017 bunsod ng reklamong isinampa ni Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil sa alegasyon ng pulis na kasama ang pangalan ng alkalde sa blue book o talaan ng mga drug personalities.
Si Espenido ay dating hepe ng pulisya sa Albuera, Leyte bago nadestino sa Ozamiz City noong December 2016.
Sa press conference, ipinahayag ni Espenido na walang malinaw na basehan ang kaso laban sa kaniya.
Naniniwala siyang isang maimpluwensiyang opisyal sa NAPOLCOM ang nasa likod ng pagkakasuspinde sa kaniya at may kinalaman daw aniya rito ang tinatawag niyang Samar-Ormoc-Ozamiz drug link.
Pinagkalooban naman ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog ng certificate of commendation si Espenido bilang pagkilala sa masigasig nitong kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad.
Dia Marmi Bazar – Eagle News Correspondent, Ozamiz City