CALAMBA CITY, Laguna (Eagle News) – Nasa 100 M-16 armalite at isang M-14 (sniper) rifle ang tinanggap ng Philippine National Police Region 4A noong Lunes, July 17.
Tinanggap ni Regional Director PCSupt Ma. O R Aplasca ang mga baril mula sa national headquarters ng PNP sa ginanap na ceremonial awarding sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna.
Nagbigay din ng 15 reloading machine ang Practical Shooters and Match Officers Confederation (PSMOC), habang ang Public Safety Savings and Loan Association Inc. (PSSLAI) ay nagbigay naman ng 1 unit ng laptop at desktop, projector at roll-up wide screen.
Nagpasalamat naman si Aplasca kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa PSMOC at sa PSSLAI dahil sa patuloy nilang pagsuporta sa PRO 4-A dahil malaki aniya ang maitutulong ng mga armas sa anti-criminality at anti-illegal drugs campaign sa buong rehiyon ng Calabarzon.
Samantala, naging guest speaker sa nasabing okasyon si PCS. Arnel B. Escobal, Director ng Highway Patrol Group na siyang nanguna sa pagbibigay ng awards sa Top Performing Provincial Office at Top Performing Chief of Police sa buong rehiyon.
Norberto Delfino at Ronaldo Duran – Eagle News Correspondent, Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna
Photos courtesy of PRO 4-A