4 na construction worker, bihag pa rin ng Abu Sayyaf

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Apat na construction worker ang hawak pa rin ng grupong Abu Sayyaf ayon sa mga awtoridad.

Sina Joel Adanza, Edmundo Ramos, Jayson Vailoces, Felimon Guerero ay binihag ng mga armadong lalaki sa Sports Complex ng Kawmang Elementary School, Patikul, Sulu noong madaling araw ng Sabado, July 15.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police sa Patikul, pinasok ng mga armadong lalaki ang barracks ng mga construction worker.

Subalit nang mabigo ang mga ito na makita ang isang engineer ay nagpasya ang mga rebelde na dalhin na lamang ang anim na construction worker na pawang taga-Zamboanga City, subalit dalawa sa mga ito— Larry Velasques at Jenly Miranda–ay nakatakas.

 

Jun Cronico – Eagle News Correspondent, Zamboanga City