200 estudyante nakilahok sa ASEAN Forum sa Basilan

ISABELA CITY, Basilan (Eagle News) – Nilahukan ng mahigit 200 delegado mula sa mga piling eskuwelahan at youth organizations ang Association of Southeast Asian Nations forum sa Basilan kamakailan.

Nakasuot pa ng mga lumahok ng traditional attire ng tribong Yakan, Tausug, Samal, Tagalog at Chavacano.

Sila ay nagtipon sa Basilan State College Ampitheaters.

Nagkaroon ng talakayan sa pagitan ng mga resource speakers mula sa iba’t ibang organisasyon at mga dumalong mga kabataan.

Ibinahagi ni Roderick Trio ng Zamboanga City School of Marine Sciences and Technology ang kaniyang kaalaman at kasanayan tungkol sa mga oportunidad na maaaring mapakinabangan ng mga kabataan sa ASEAN, at ang mga maibabahaging pakinabang nito sa ekonomiya ng bansa.

Tinalakay naman ng ibang mga speaker ang ukol sa livelihood, skills training at development para sa mga kabataan.

Ang programa ay tinapos sa pamamagitan ng paglagda ng pangako bilang suporta sa mga adhikain ng ASEAN community.

Christine Garcia – Eagle News Correspondent, Isabela City, Basilan

https://www.youtube.com/watch?v=FjDF_D8GWHU&feature=youtu.be