QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Umalma ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa hirit na palawigin pa ang idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi dapat madaliin ng Kongreso ang pag-apruba sa martial law extension.
Sa halip, kailangan muna itong pag-aralang maigi upang malaman kung may batayan ang pagpapalawig dito.
Dapat din aniyang mapaliwanag ang defense at security officials sa mga mambabatas kung bakit kinakailangan ang nasabing hakbang bago man lang ang joint session na ipinatawag sa Sabado.
Para naman kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, hindi dapat maging sunud-sunuran ang Kongreso sa Malakaniyang lalo na at hindi rin maaaring gawing seremoniya lamang ang special joint session para tanggapin ang hirit ng Pangulo.
https://youtu.be/jlxzSmIGGPE