San Jose, Nueva Ecija, patuloy ang paghahanda kontra-kalamidad

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija (Eagle News) – Magsasagawa ng training ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng San Jose City, Nueva Ecija upang paghandaan ang posibleng pagguho ng lupa dulot ng pag-ulan at paglindol.

Katuwang nila dito ang Mines and Geosciences Bureau (MGB), at ang mga piling opisyal mula sa 38 barangay, kasama ang mga kinatawan ng Planning and Development Office at Engineering Office.

Ayon kay G. Amor Cabico, CDRRMO Head, layunin ng pagsasanay na ituro sa mga kalahok ang tamang paggamit ng hazard map. Gayundin ang pagtukoy sa mga panganib na posibleng harapin ng bawat barangay at ang itatalagang evacuation centers sa kani-kanilang lugar.

Dagdag pa ni Cabico, nakahanda na ang lungsod sa anumang kalamidad dahilan sa pagkakaroon ng sapat na rescue equipment, rescue vehicles, ambulansya, nakahandang fire truck, at may kasanayang mga rescuers.

Emil Baltazar – Eagle News Correspondent, Nueva Ecija

https://www.youtube.com/watch?v=8Uwdwyr8y2s&feature=youtu.be