16 bahay sa Roxas City, Capiz tinupok ng apoy; tinatayang P500K naitalang pinsala ng sunog

https://youtu.be/r80ArHDGcJU

ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Tinatayang P500,000 na halaga ng ari-ariang  tinupok ng apoy sa Roxas City, Capiz noong Lunes, July 31.

Agad namang rumesponde ang mga miyembro ng Capiz Emergency Response Team at Roxas City Fire Station bandang alas 6 ng gabi subalit mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang 16 na bahay.

Sa imbestigasyon ng BFP Roxas, nagsimula ang apoy sa bubungan ng bahay ni Marilou Calara kung saan nakalaylay ang mga kable ng kuryente.

Dahil gawa lamang sa light materials ang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.

Wala namang naiulat na namatay sa nangyaring insidente.

Neal Flores – Eagle News Correspondent, Capiz