10 Vietnamese national, nahuli sa karagatang sakop ng El Nido, Palawan

EL NIDO, Palawan (Eagle News) – Nahuli ang 10 Vietnamese national noong Martes ng umaga (August 8) na sakay sa isang fishing boat, ilang nautical miles mula sa Malampaya Platform sa El Nido.

Ayon kay John Vincent Fabello ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), nasa lugar man sila na sakop ng protected area ng lalawigan o hindi, napatunayang pumasok nga sila sa teritoryo nito.

Aniya, kinumpiska rin ng mga awtoridad ang nakita sa kanilang fishing boat na  iba’t ibang gamit sa pangingisda, mga patay na pating at iba pang mga produkto na mula dagat.

Ayon kay Fabello, ang panghuhuli ng pating ay isang malinaw na paglabag sa Wild Life Act.

Nagpapatuloy pa ang mga awtoridad sa imbentaryo ng mga bagay na nakumpiska.

Kinailangan ding maghahanap ng interpreter upang matulungan ang mga awtoridad na makipag-usap sa mga nasabing dayuhan.

Rox Montallana – Eagle News Correspondent, Palawan

 

Photo courtesy: BFAR Northern Palawan