(Eagle News) — Apat na sibilyan na binihag ng teroristang Maute Group ang nailigtas ng militar sa main battle area sa Marawi City.
Ayon kay Capt. Jo Ann Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, na-rescue ang apat sa paligid ng Lake Lanao.
Tatlo sa mga naging bihag ay nagmula sa Zamboanga City habang ang isa ay mula naman sa Iligan City.
Natagpuan ang apat na narescue bunga na rin ng pakikipag-tulungan ng isa sa asawa ng apat na bihag sa Philippine Navy sa Zamboanga at Joint Task Force Marawi.
Dinala na ang apat sa pinakamalapit na Philippine Army Headquarters at binigyan sila ng medical assistance.