Dalawang bayan sa Nueva Ecija, posibleng maideklarang bird flu-free na sa mga darating na araw

https://www.youtube.com/watch?v=1LHTTY-Ur3o&feature=youtu.be

NUEVA ECIJA (Eagle News) – Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na wala na silang nakikitang banta ng bird flu sa mga bayan ng Jaen at San Isidro, Nueva Ecija.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ito ay makaraang isailalim sa disinfection ang lahat ng mga poultry farms sa mga nabanggit na lugar.

Gayunman, sinabi ng kalihim na kailangan pang hintaying matapos ang 21 araw na incubation period bago tuluyang ideklarang bird flu-free na ang mga nasabing bayan.

Sa datos ng DA aabot sa halos dalawang daang libong poultry animals, gaya ng mga manok at pugo ang pinatay para maiwasan ang pagkalat ng bird flu virus.