Isinasagawa ngayon ang 3rd integrated waste management expo and environmental summit sa SMX Aura Taguig City sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources- Environmental Management Bureau (EMB).
Ibat-ibang produktong gawa sa mga eco materials at recycled materials ang makikita sa bawat booth mula sa local government units ng Metro Manila at karatig probinsya, government agencies.
Kasama rin sa expo ang ilang private sectors at negosyante na kaisa sa pagsusulong ng adbokasiya sa tamang kaalaman sa waste management program.
Ang tatlong araw na programa ay nag-aalok ng ibat-ibang activities, forums, talakayan at workshop kung saan ang pangunahing paksa ay patungkol sa environmental proteksyon, renewable energy, at sustainable livelihood.