Pangulong Duterte muling dumalaw sa Marawi sa ika-apat na pagkakataon 

(Eagle News) — Sa ika-apat na pagkakataon ay muling bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.

Ang pagbisita ng Pangulo sa naturang lungsod ay kasunod ng anunsyo ng Malacañang na nasa huling yugto na ang rebelyon sa Marawi.

Ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, pumunta si Pangulong Duterte sa Grand Islamic Mosque at Mapandi Bridge.

Dito niya kinausap ang tropa ng pamahalaan at binigyan ang mga ito ng goodies.

Pinuntahan din ng Pangulo ang mga lugar na na-clear na ng mga militar.

Nangako rin ang Pangulo sa mga babaeng sundalo na dadalhin ang mga ito sa Hong Kong matapos ang krisis sa Marawi.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesperson brigadier General Restituto Padilla, papalapit na nang papalapit sa dulo ang kaguluhan sa lungsod na dulot ng ISIS-inspired Maute Group.

Samantala, sa huling tala ng militar, sumampa na sa 844 ang bilang ng namamatay sa halos apat na buwang sagupaan sa Marawi.

Mula sa naturang bilang, 655 na ang namatay sa hanay ng mga terorista, 147 naman sa panig ng mga tropa ng pamahalaan at 46 naman ang mga sibilyan.

https://youtu.be/yB23FwPqncE