Mga kaalyado ni Sen. De Lima, nalungkot sa desisyon ng SC

(Eagle News) — Nalulungkot ang mga kaalyado ni Senador Leila De Lima sa Senado sa desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa kaniyang apila na humihiling na ipawalang bisa ang arrest warant laban sa kanya sa kasong illegal drug trade.

Apila ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat suriing mabuti ng mga mahistrado ang ihahaing apela ng kampo ni De Lima.

Bagamat iginagalang aniya nila ang desisyon ng Korte Suprema, naniniwala si Drilon na dapat ang Ombudsman ang dumidinig sa kaso ni De Lima.

“She can file a motion for reconsideration. Maybe some of the justices should inhibit,” pahayag ni Drilon.

Iginiit naman ni Senador Risa Hontiveros na ang alegasyon kay De Lima ay batay lamang sa fake news o walang matibay na ebidensya laban dito.

Sa inilabas namang pahayag ng oposisyon, sinabi nitong nakakabahala ang anila’y pangigipit kay De Lima na tagapagtanggol umano lalo na ng biktima ng human rights.

(Eagle News Service, Meanne Corvera)

https://youtu.be/bfIkNsxo8SA