LUCENA CITY, Quezon (Eagle News) – Pormal nang nanumpa sa Partido ng Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang 18 alkalde sa lalawigan ng Quezon nitong Huwebes ng umaga, ika-12 ng Oktubre.
Kasama ng mga alkalde— o 40 porsyento ng mga alkalde sa probinsiya—ang mga lokal na opisyal ng mga barangay sa kanilang panunumpa sa lungsod ng Lucena.
Pinangunahan ni Speaker Pantaleon Alvarez ang nasabing panunumpa.
Ang PDP-Laban na ruling party ngayon ay pinamumunuan sa Quezon ni Secretary of Justice Vitaliano Aguirre II.
Allan Llaneta – Eagle News Correspondent
https://www.youtube.com/watch?v=QdKTo6uJYyk&feature=youtu.be