(Eagle News) — Positibo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na agad makakabangon ang negosyo sa Marawi City matapos ang bakbakan doon.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, maaari nang ituloy ng mga negosyante ang mga naunsyami nilang negosyo at maging ang mga pag-invest pa ng mga mamimili.
Una nang sinabi ng Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) na naging positibo ang business outlook para sa fourth quarter ng taon, na may Confidence Index na 51.3 percent mula sa 42.7 percent sa nakalipas na quarter.
Ayon sa NEDA, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Task Force Bangon Marawi (TFBM) para sa recovery, reconstruction, at rehabilitation ng Marawi City.
https://youtu.be/Ac_DuYyIoAA