Ilang residente makakabalik na sa Marawi City

MARAWI CITY, Lanao del Norte (Eagle News) – Nakatakda nang bumalik ang ilang lumikas na residente sa Marawi City matapos ang limang buwang bakbakan.

Ayon sa City Health Office ng lungsod, unang pababalikin ang mga nakatira sa Brgy. Basak Malutlot, kung saan unang sumiklab ang bakbakan noong May 23.

Nakahanda na rin ang mga paglalagyan ng tubig ng mga residente dahil isa pa lang sa anim na pumping station ang maaaring gamitin.

Samantala, ayon naman kay Lanao del Sur Electric Cooperative Acting General Manager Nordjiana Ducol, bibigyan ng isang buwang konsiderasyon ng pamahalaan ang mga bakwit sa pagbabayad ng kuryente bilang pagtugon na rin sa utos ni Energy Sec. Alfonso Cusi.