(Eagle News) — Kumakalat sa social media ngayon ang larawan ng isang maliit na seahorse na may bitbit na maliliit na plastik ng basura sa karagatan.
Kuha ito ng isang batikang photographer na si Justin Hofman sa isang karagatan sa Indonesia.
Ayon kay Hofman, hindi niya inaasahan ang pangyayaring ito, dahil nung araw na iyon ay kagagaling niya lamang sa isang expedition at sa sobrang pagod at nainitan siya ay lumangoy siya kasama ng kaibigan sa dagat.
Dito nakita ng kaibigan niya ang maliit na seahorse na lumalangoy, hanggang sa unti-unti ay nagbabago umano ang amoy ng karagatan at nakikita nila ang ilang basura rito.
Maya-maya lamang ay bumungad na sa kanyang harapan ang maliit na seahorse kaya agad nyang kinuha ang kamera at kinuhanan ito.
Ayon kay Hofman, noong una ay natulala siya sa ginagawa ng seahorse at naisip na kuhanan ito hindi upang makilala sya kundi para maipakita sa publiko.
“As we were snorkeling there, the tides were starting to turn and some debris were starting to come in and this incredible composition came before my eyes and I knew that I had to photograph it,” pahayag ni Hofman.
Dagdag pa ni Hofman, lalong naantig ang kaniyang puso nang makita na bitbit na nito ang isang cotton bud na halos ay mas malaki pa sa kanya.
“I think the main reason why this image has an impact is because everybody loves seahorses, they are cute, they are beautiful creatures and it catches your eyes first and then you see its holding on to something and you don’t expect that its cotton bud and once you see that it really changes your whole tone of the image. So it’s the very impact of the image, because it is the combination of two different things,” pahayag nito.
Dahil sa nakakaantig na pusong larawan na ito, ito ay umabot na ng mahigit sa 92,000 likes at higit sa 94,000 shares.