10-year validity ng passport, epektibo na sa 2018 – DFA Sec. Cayetano

(Eagle News) — Magiging epektibo na sa Enero 2018 ang batas na naglalayong gawing sampung taon ang validity ng passport.

Kasunod ito ng paglagda ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10-928 na naglalayong palawigin ang validity ng Philippine passport ng sampung taon.

Ayon kay Cayetano, magiging epektibo na sa Enero 1, 2018 ang nasabing IRR.

Hindi naman kasi aniya maaaring ipatupad ito agad dahil kinakailangan munang ipagbigay alam sa ibang bansa na palalawigin na ng sampung taon ang Philippine passport.