Mga residente ng Brgy. Basak Malutlut na unang inatake ng Maute sa Marawi, nakabalik na

(Eagle News) — Nasa limang libong residente ng Barangay Basak Malutlut sa Marawi City ang nakabalik na sa kani-kanilang tahanan.

Ang nasabing barangay ang unang inatake ng ISIS-inspired Maute Group noong May 23.

Ayon sa ulat, ilan sa mga residente ay naging emosyunal nang makita ang tinamong pinsala ng kanilang bahay.

Naging staging point ng naganap na kaguluhan sa Marawi City ang Barangay Basak Malutlut kung saan nagsimula ang palitan ng putok na baril sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group.

Samantala, nagtakda na ang local health officials ng fumigation sa nasabing barangay para mabugaw ang mga lamok na posibleng may dala na dengue virus.