(Eagle News) — Magpapadala ang gobyerno ng Pilipinas ng delegasyon sa China sa susunod na taon para makipagpulong kay Chinese Tech Magnate Jack Ma tungkol sa mga kaparaanan na matiyak ang healthy financial regulatory environment at madevelop ang e-Commerce sa Pilipinas.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, plano nilang bisitahin si Jack Ma sa Enero ng susunod na taon matapos makatanggap ng imbistayon para sa mas malalim pang talakayan sa China.
Si Dominguez ay sasamahan ng iba pang finance officials at representatives’ mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa kaniyang pagpunta sa China.
Ayon sa international magazine na Forbes, si Jack Ma ang nangunguna sa listahan ng Asia’s richest businessman.
Una nang bumisita si Jack Ma sa bansa nitong Oktubre 25, kung saan nakipagpulong siya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.