(Eagle News) — Maaari nang makapasyal ang mga Pilipino sa South Korea nang walang visa hanggang Abril 2018.
Gayunman, maaari lamang gamitin ng mga Pilipino ang naturang pribilehiyo kung ito ay papasok ng South Korea sa pamamagitan ng Yangyang International Airport malapit sa Pyeongchang.
Layon ng naturang hakbang ng South Korea na palakasin ang turismo sa Pyeongchang na siyang venue ngayon ng 2018 Winter Olympics sa Pebrero.
Sa ngayon, wala pang direct flights mula sa Pilipinas tungong Yangyang International Airport.