Closed van, truck puwede nang dumaan sa SCTEX, NLEX at EDSA

QUEZON City, Metro Manila (Eagle News) — Maaari nang makadaan sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX), North Luzon Expressway (NLEX) at EDSA ang mga truck at closed van ngayong panahon ng Association of Southeast Asian Nations Summit.

Batay sa binagong abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay simula ngayong Lunes, November 13 hanggang sa November 15.

Subalit ito ay sa loob lamang ng apat na oras o mula alas dose ng hating gabi hanggang alas kuwatro ng umaga.

Kapag lalagpas sa nasabing oras ay pinapayuhan silang iwasan ang tatlong nabanggit na kalsada.

Kahit holiday ay nagpa-aalala ang MMDA sa mga motorista na umiiral pa rin ang number coding sa Pampanga, Bulacan at Metro Manila ngayong araw.