Isang notorious killer at limang armadong lalaki, nasakote ng Naval forces sa Tawi-tawi

Ang mga pinaniniwalaang mga miyembro ng notoryosong bandidong Abu Sayyaf kidnap-for-ransom group na sakay ng dalawang motorized pump boats na na-intercept ng isang Navy Seal Team sa Bolod Island, Tonquil, Sulu noong Lunes ng gabi, November 20, 2017. (Photo by: NFWM-Wesmincom)

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) — Arestado ng otoridad ang anim na armadong lalaking sakay ng dalawang motorized pump boats na pinaniniwalaang mga miyembro ng notorious group na Abu Sayyaf-Kidnap for Ransom Group.

Ang mga ito ay naaresto matapos na ma-intercept ng isang Navy Seal Team na sakay ng Navy ship na BRP Manuel Gomez (PC 388) malapit sa Bolod Island, Tonquil, Sulu noong Lunes ng gabi, November 20, 2017.

Ayon kay Rear Adm. Rene V. Medina, Commander ng Naval Forces Western Mindanao, kaagad niyang iniutos ang pagde-deploy ng naturang Naval Quick Response Team sa area matapos makatanggap ng report mula sa isang miyembro ng Special CAFGU Active Auxilliary (SCAA) na ang FB Nancy 888- isang commercial fishing vessel ay hinaharass at hinahabol ng naturang mga bandido sa Sibarot fishing grounds, na kapwa boundary ng Basilan at Sulu.

Ang nahuling anim na armadong lalaki ay kinilalang sina:

  • Omar Amping, 39 taong gulang
  • Gabby Juwa, 35 taong gulang
  • Jadi Luhadi, 21 taong gulang
  • Alcimel Abdulla, 18 taong gulang
  • Madi Jalilul, 19 taong gulanga
  • Sakkam Dekani,  60 taong gulang

Narekober mula sa mga suspek ang isang M16A1 rifle at mga bala.

Napag-alamang si Amping ay notorious na gun-for-hire killer at Number 4 sa most wanted list of personalities sa Zamboanga City.

May dalawa siyang standing warrant of arrests para sa limang counts ng kasong murder.

(Eagle News Correspondent Ferdinand Ramos)