SALN ni Chief Justice Sereno sa U.P. nawawala

(Eagle News) — Bigong maiprisinta sa pagdinig ng House Justice Committee ang kopya ng Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon Kay University of the Philippines-Human Resources Development Office (HRDO) Director Angela Escoto na hindi nila makita ang 2002 SALN ng punong mahistrado.

Mula noong 2000 hanggang 2009 , nagturo si Sereno sa U.P. bilang isang associate professor.

Ang nadala lang nilang dokumento sa Kamara ay ang 201 o personnel files ni Sereno na may petsang December 31, 2002.

Sinabi ni Escoto na pwede namang makuha ang kopya ng SALN ni Sereno sa Office of the Ombudsman.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Atty. Larry Gadon na hindi naging tapat si Sereno sa pagsusumite ng kayang SALN kabilang na dito ang kanyang kinitang Php 37 million bilang abogado ng gobyerno sa Philippine International Air Terminals Company Inc. (PIATCO).