(Eagle News) – Muling tutulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga anti-illegal drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, naglabas na siya ng Department Order upang atasan ang NBI na ipagpatuloy na ang kanilang mga anti-illegal drug operations.
Ginawa ito ng kalihim isang araw matapos ibalik naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) at iba pang mga law enforcement agencies sa kampanya kontra iligal na droga.
Dahil dito, magiging katuwang na rin ng PDEA ang Armed Forces of the Philippines, Bureau of Customs at maging ang Philippine Postal Corporation.
Matatandaang dalawang buwan na ang nakalipas mula nang solo niyang italaga ang PDEA sa war on drugs ng pamahalaan. (Eagle News Service)
https://www.youtube.com/watch?v=wcfN22TD7is&feature=youtu.be