Construction projects, tumaas ng 1.1%

MANILA. Philippines (Eagle News) — Tumaas ng 1.1 percent (%) ang naaprubahang building permits nitong 3rd quarter ng taon.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 36,0076 ang naaprubahang building permits mula nitong Hulyo hanggang Setyembre.

Bagama’t tumaas ang bilang ng construction projects ay bumaba naman ng 6.5 percent ang halaga nito mula sa 77 billion pesos noong third quarter ng 2016 ay bumaba ito sa 72 billion pesos sa kaparehong panahon.

Ang pinakamaraming bilang ng building permits na naaprubahan nitong 3rd quarter ng taon ay mula sa mga residential project.

https://youtu.be/dFMfS38PmFo