Bagyong Urduja napanatili ang lakas; posibleng tumama sa Bicol Region ngayong weekend – PAGASA

Photo courtesy of pagasa.dost.gov.ph

MANILA, Philippines (Eagle News) — Napanatili ng bagyong Urduja ang lakas nito.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaari itong tumama sa kalupaan ngayong weekend.

Ayon sa PAGASA, ang tropical depression Urduja ay huling namataan sa layong 455 kilometers east ng Surigao City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 7 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.

Ayon sa PAGASA, kung hindi mababago ang forecast track ng bagyo, sa Sabado ay posible itong tumama sa kalupaan ng Bicol Region o eastern Visayas.

At posible rin nitong tawirin ang southern Luzon area sa darating na weekend.

Kaya pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga ilalabas na weather bulletin ng PAGASA.