Jeep na sumalpok sa Partas bus sa Agoo, La Union wala umanong prangkisa

AGOO, La Union (Eagle News) – Napag-alaman ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang prangkisa ang jeep na sumalpok sa Partas bus sa Agoo, La Union na ikinasawi ng dalawampu katao.

Ayon kay LTFRB-Region 1 officer-in-charge, Atty. Anabel Marzan-Nullar, ang jeep ay pag-aari ng isang Ronald Ducusin, empleyado ng San Fernando City Administrators Office sa La Union.

Kabuuang tatlong jeep anya ang pag-aari ni Ducusin kung saan dalawa ang may prangkisa.

Naglabas na rin ng preventive suspension order ang LTFRB para sa dalawang nalalabing sasakyan ng owner.