MANILA, Philippines (Eagle News) — Binigyan ng mataas na grado ng isang grupo ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon sa bansa.
Ayon sa People’s Initiative Towards Revolutionary Government, 96 percent ang grado na kanilang ibinigay sa Pangulo dahil sa pagtupad nito sa kanyang pangako na baguhin ang nakasanayang sistema ng bansa lalo na ang usapin sa war on drugs.
Sa ganitong pamumuno ni Pangulong Duterte, dapat daw itong tularan ng iba. Dapat din aniyang gawin kapag nangako ang isang leader ng bansa ng pagbabago ay isinasabuhay ang mga salita at hindi salita lamang, ilang presidente na daw ang nagdaan na nagsasabi na mapalitan ang sistema ng pamahalaan ngunit hindi pa rin ito natutupad.
Isa sa nabago daw mula ng maupo ang Pangulo sa puwesto ay ang kabawasan at pag-alis ng korapsyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Nagkaroon daw ng double expectation sa inaasahang pagbabago sa bansa ng mga Pilipino.
Isa sa itinutulak ng grupo ay maipatupad na ang revolutionary government aniya kung ito ang magiging mabilis na paraan para sa pagbabago pa ng bansa dapat na aniya itong maipatupad legal naman aniya ito at naayon sa ating konstitusyon.
Hindi naman nila dinidiktahan ang pangulo sa dapat nitong gawin sa bansa pero suportado nila ito anuman ang maging pasya nitong gawin.
Grupo, nanawagan kay Pangulong Duterte na tuluyang baguhin ang sistema sa PHL
Hiling naman nila sa Pangulo ngayong 2018 mas lalo pa aniya nitong paigtingin ang layunin tungo sa tuluyan ng pagbabago ng sistema sa bansa lalo na ang tungkol sa usapin ng illegal na droga at korapsyon.
(Eagle News Service Earlo Bringas)