Temperatura sa Mt. Pulag, bumaba sa 9°c

MANILA, Philippines (Eagle News) — Bumaba sa 9 degrees Celsius ang temperatura sa Mount Pulag sa Kabayan, Benguet nitong Huwebes, Disyembre 28 at inaasahang mas lalamig sa mga susunod na araw.

Dahil dito, inabisuhan ng Mount Pulag National Park and Protected Area Office ang mountain climbers na mag-dala ng extra at makapal na pananggalang sa lamig.

Sinusubukan din ng park managers na ma-control ang pag-dagsa ng mga turista tuwing peak season, gaya ng Disyembre at summer.

Nasa 22,000 naman na mga turista ang na-italang umakyat ng Mount Pulag ngayong taon.

Ang Mount Pulag ang pinaka-mataas na bundok sa luzon at ikatlong pinaka-mataas sa bansa.

https://youtu.be/cCG_SS46AJY