Ilang oras bago pumasok ang 2018, kaso ng firecracker-related injuries umabot na sa 77

MANILA, Philippines (Eagle  News) — Umabot na sa pitumpu’t pito ang firecracker-related injuries, ilang oras bago ang pagpasok ng bagong taon.

Batay sa “Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017” report ng Department of Health (DOH), limampu’t pito sa mga naputukan ay sanhi ng iligal na fireworks.

Apatnapu’t siyam naman sa mga naputukan ay sanhi ng piccolo habang anim ay dahil sa boga.

Sa kabila nito, ipinagmalaki ng DOH na mababa ang nabanggit na bilang kumpara sa limampu’t apat na kaso sa kaparehong panahon noong isang taon.

Samantala, pinaka-maraming bilang ng fireworks related injuries ang naitala sa Metro Manila na sinundan ng Western Visayas at Bicol Region.

/