MANILA, Philippines (Eagle News) — Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na mahigit sa 500 electric jeepneys ang ipapalit sa mga lumang jeepney ngayong buwan.
Sinabi ni DOTr Undersecretary For Roads Thomas Orbos, hindi lamang sa Metro Manila makikita ang e-jeepneys kundi sa buong bansa.
Aalisin na ang mga jeepney na nasa labinlimang taon sa lansangan ngayon buwan bilang bahagi ng Transport Modernization Program ng pamahalaan.
Aniya, mag-ooperate ang e-jeepneys para na rin sa kaginhawaan at kaligtasan ng mga pasahero.
Sinabi pa ni Orbos na pinag-uusapan na rin ang mas makatwirang ruta para sa e-jeepney para makaiwas sa traffic congestion.