QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Muling ilulunsad ng Department of Education (DepEd) ang maagang pagpaparehistro para sa pagbubukas ng school year 2018-2019.
Itinakda ng DepEd sa Enero 27 hanggang Pebrero 28 ang registration ng kindergarten hanggang Grade 12 sa lahat ng pambulikong paaralan ng elementarya at sekondarya.
Layon ng ahensya na maabot ang inaasahang dami ng bilang ng mga estudyante sa darating na pasukan.
Bukod dito, mas mapaghahandaan nilang mabuti ang mga posibleng problema o isyu pagdating ng pasukan sa hunyo.
Kaugnay nito, inaasahang magsasagawa ng aktibidad ang ilang tauhan ng mga paaralan tulad ng pagbabahay-bahay at pakikipagpulong sa lokal na pamahalaan upang maipabatid sa lahat lalo na sa mga magulang ang impormasyon.