PhilFrance scholarship program, iniaalok para sa mga nais mag-aral sa France

(Eagle News) — Maaari nang mag-apply para sa PhilFrance scholarship program ang mga Pilipinong nais mag-aral at magsagawa ng research sa France.

Lahat ng mapipili ay mabibigyan ng tuition subsidy na hindi lalampas sa 10,000 euros, 615 euros allowance at health-care package.

Ang application para sa mga programa ay tatanggapin hanggang alas-kwatro ng hapon sa April 13.

Target ng French embassy ang mas maraming Pilipino na mag-aral sa France at umaasang makatanggap ng mas maraming application ngayong taon.

Nitong 2017, 35 aplikante ang pinili ng French embassy para sa mga programa.