(Eagle News) – Hindi tataas ang pamasahe sa Metro Rail Transit (MRT) hangga’t hindi nararamdaman ang improvements nito.
Ito ang naging pagtitiyak ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko.
Ayon kay DOTr Undersecretary TJ Batan, walang dagdag-singil sa MRT hanggang hindi nararamdan ng mga pasahero ang mas maayos na serbisyo, partikular sa convenience, availability at reliability sa operasyon ng MRT-3.
Pagtitiyak din ni Batan na bukod sa MRT-3 ay wala ring planong magtaas ng pamasahe sa ibang rail system sa bansa, kabilang na ang Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR).
Kaugnay nito, dumating na ang 48 bagong bagon mula sa isang kumpanya sa China. Gayunman, hindi pa muna ito gagamitin para sa MRT.
Isasailalim muna sa audit assessment ang mga ito para malaman kung tatanggapin o hindi ng DOTr ang mga bagon. (Eagle News Service)
https://www.youtube.com/watch?v=TO2Qz8jB0bc&feature=youtu.be