Ballot images na patunay na may dayaan sa nagdaang eleksyon, ipinakita ng kampo ng mga Marcos

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ibinunyag ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nadiskubreng mga ebidensya mula sa mga printed soft copies ng mga ballot image.

Kwestyunable umano ang mga nakitang hugis kwadrado na nakita sa mga baloot images imbes na oval shape na halos lahat nakatapat sa pangalan ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa dating senador, patunay lamang ng pagiging bias na pag-bilang pabor kay Robredo.

Isa pang nadiskubre ang sekreto umanong ginawang Resolution No.10114 ng Commission on Elections (COMELEC) na itinago raw sa lahat at inilabas ilang araw bago ang election.

Maliwanag raw na may nangyaring malawakang pagmamaniobra o dayaan noong panahon ng 2016 national and local election.

Patuloy ang pagka dismaya ng kampo ni Marcos dahil sa patumpik-tumpik na pagbibigay sa kanila ng mga binayarang soft copies habang nauuna pa raw na nakakuha ang kabilang kampo.

Giit ni marcos may hocus focus na nangyayari.

Dating Sen. Marcos kay VP Robredo: I- withdraw ang lahat ng mosyon at simulan ang manual recount

At para matuldukan na raw ang batuhan ng isyu ng magkabilang panig.

Hinahamon ngayon ni Marcos ang kampo ni Robredo na sabay-sabay nilang i-withdraw ang kanilang mga motion para agad ng masimulan ang manual recount sa mga balota para mag- kaalaman na at matapos ang delaying tactics.