Nat’l Privacy Commission, nagbabala sa robocalling at phishing

MANILA, Philippines (Eagle Nagbabala ngayon sa publiko ang National Privacy Commission (NPC) laban sa mga natatanggap na tawag mula sa mga ‘di kilalang numero lalo’t galing abroad.

Ayon sa NPC, posible kasing ma-hack o mabiktima ng robocalling o tawag gamit ang computer mula sa libu-libong numero na kanilang nakuha sa pamamagitan ng sensitibong impormasyon.

Sa natatanggap na tawag ay posibleng makakakakuha ang mga ito ng mga personal na impormasyon.
Ayon sa NPC, vishing o voice phishing ang tawag sa nasabing modus.