MANILA, Philippines (Eagle News) — Sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ilan pang mahistrado ng Korte Suprema ang humarap sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Kabilang sa mga ito sina Supreme Court Associate Justices Mariano Del Castillo at Andres Reyes.
Pagbili ng mamahaling sasakyan ni CJ Sereno, ikinadismaya ni SC Justice Del Castillo
Si Del Castillo ay tumestigo sa isyu ng pagbili ng mamahaling sasakyan ni Sereno.
Sinabi ni Del Castillo sa komite na wala siyang nakitang iregularidad ng isumite sa kaniya noon ang mga dokumento ng bids and awards committee.
Aniya, sa pagdinig ngayon ng komite lang niya nalaman na pre-determined ang pagkakabili sa nasabing sasakyan kaya siya dismayado.
Paninigaw ni CJ Sereno kay SC Justice Reyes, nabunyag
Nabunyag naman sa pagdinig ang ginawang paninigaw at pagbabanta ni Sereno kay Reyes noong siya ay residing justice pa lamang ng Court of Appeals (CA) na katapusan na ng kaniyang career dahil sa ginawang pagsulat nito batay na rin sa kahilingan ng ilang CA Justices na mag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinuturing naman ng compainant sa impeachment na si Attorney Larru Gadon na power tripping at pambubully ang ginawa ni Sereno.
(Eagle News Service Eden Suarez)