Pagtaas sa bar examination fee, aprubado na ng SC

MANILA, Philippines (Eagle News) — Aprubado na ng Supreme Court (SC) ang pagtataas ng bar examination fee ngayong taon.

Kaya mula sa dating Php 3,500.00 ay naging Php 3,750.00 na ito o katumbas ng Php 250.00 na dagdag.

Gagamitin ito sa iba’t-ibang gastos katulad ng bayad sa venue, logistical expenses at allowance ng mga itatalagang tauhan sa eksaminasyon.

Taong 2017, umabot sa 7,227 ang bilang ng law graduates na kumuha ng bar exam at inaasahang lolobo pa ito.

Mananatili namang sa University of Sto. Tomas ang venue ng bar exam ngayong taon.

https://youtu.be/_CL4T8xnQGY