Nawawalang Pilipina sa nangyaring pagyanig sa Hualien sa Taiwan, kinilala na

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kinilala na ang nawawalang Pilipina matapos yanigin ng magnitude 6.4 na lindol ang kilalang tourist city na Hualien sa Taiwan.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman at resident representative Lito Banayo, ang nawawalang overseas Filipino worker ay si Melody Albano De Castro na taga-Ilocos.

Si De Castro ay nagtratrabaho bilang caretaker sa isang nursing home na nasa loob ng gusaling gumuho noong lumindol.

Ipinabatid ni Banayo na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang retrieval operation sa nasabing Pilipina.

Ipinaalam na rin umano ng OWWA-Manila sa kaniyang pamilya ang kalagayan ni De Castro.