Malacañang, umaasang magkakaroon na ng linaw ang kaso ni Demafelis

MANILA, Philippines (Eagle News) — Umaasa ang Malacañang na magkakaroon na ng linaw ang kaso ni Joanna Demafelis, ang Overseas Filipino Worker na natagpuang patay at nakasilid sa freezer ng tahanan ng kanyang amo sa Kuwait.

Sa harap ito ng pagsuko ni Agnes Tuballes na diumano’y recruiter ni Demafelis sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na welcome development ang pagsuko ni Tuballes dahil kung nagtago ito ay tiyak na hahantingin ito ng mga operatiba ng National Bureau Of Investigation (NBI)

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ang nag-utos sa NBI na hanapin ang recruiter ni Demafelis para makuha ang panig nito hinggil sa naging status ng biktimang OFWs.

Inihayag ni Roque na maraming dapat na itanong kay Tuballes at kung paano napunta si Demafelis sa malupit nitong employer.

Nilinaw din ni Roque na nais ng Pangulo na mabigyan ng katarungan ang masaklap na sinapit ni Demafelis sa bansang Kuwait.

https://youtu.be/b_xmZUV3h5k