MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagviral sa social media ang memorandum ukol sa umano’y presensya sa bansa ng ISIS bombers at mga bomb expert na nagpaplano umanong umatake sa mga mall sa Zamboanga, Davao, Cebu, Manila, Ilo-Ilo, Cagayan De Oro at mga siyudad sa Northern at Southern Luzon.
Pero base sa isinagawang beripikasyon ng PNP, negatibo umano ang nasabing impormasyon.
Sa harap nito, ayaw daw magpakasiguro ng National Capital Region Police Office.
Kaya naman habang papalapit ang long holiday ngayong Marso mas pinaigting pa ng NCRPO ang seguridad sa buong Metro Manila.
Bukod sa mga matataong lugar, kasamang binabantayan ng NCRPO ang mahigit sa pitumpung Muslim community sa Metro Manila.
Ito’y para mamonitor anila ang pagpasok ng mga dayuhan mula sa Mindanao partikular na ang mga nakatakas na miyembro ng Maute-ISIS group na posibleng magtago sa kanilang mga kaanak.
Binabantayan din daw nila ang posibleng recruitment dito sa Metro Manila.
Nilinaw naman ni Albayalde na bukod sa naaresto sub-leader ng Maute na si Abdul Nasser Lomondot ay wala na silang imporasyon na iba pang terorista na nandito sa Metro Manila.Mar Gabriel
https://youtu.be/PhbOVZ85zDI