(Eagle News) – Sinimulan nang talakayin ng House Committee on Public Order and Safety ang panukalang naglilimita sa paggamit ng videoke at pagpapatugtog ng malakas sa mga residential area.
Layunin ng panukalang batas na iniakda ni Quezon Province 4th district Rep. Angelina Tan na maiwasan ang hindi kanais-nais na ingay sa mga residential area at mahinto ang negatibong social at health effect ng mga nasabing aktibidad.
Sa ilalim ng House Bill 1035, ipinagbabawal ang ang radyo, cd players, television sets, amplified musical instruments at loudspeakers.
Batay sa panukala, kahit sa anong okasyon, papayagan lamang ang isang indibidwal o grupo na gumamit o mag-operate ng mga nasabing equipment simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi.
https://www.youtube.com/watch?v=APA54eI_P-c&feature=youtu.be